Monday, January 23, 2006

Life is a Vicious Cycle

Eto na naman ako. Gumawa ng bagong blog. Tapos mag-uupdate sandali, magcocomment sa blog ng iba, tapos tatamarin na mag-update pag nakaonline. Ganito naman ako palagi.

Notice the "theme" of my blog:

http://paulit-ulit.blogspot.com

title niya: For the nth Time
1st post: Life is a Vicious Cycle

O diba? Hahaha. Eto nagagawa pag bangag. >.<

Marami nang mga "blogworthy" events na naganap sa buhay ko pero dahil nga tamad ako mag-update at hindi pa rin inaasikaso ng nanay at tatay ko ang pagpapakabit ng wi-fi internet sa bahay namin, lahat sila eh nababaon lang sa parte ng utak ko na nakalabel bilang "memories". Ayos lang sa akin yun, kasi maraming mga "blogworthy" events ang gusto kong alalahanin at itago na lang sa sarili ko. (Uuuuyyyy. Misteryosa kuno?)

May isang kwento si Stephen King (nakalimutan ko nga lang yung title) na tinatalakay ang "hell" (o sige, sige, impiyerno) bilang isang mundo kung saan walang tigil na umuulit ang mga bagay, tao at pangyayari. Tama nga naman siya. Routine, normalcy and predictability can be hell. Pangit yung tipong alam na alam mo na yung mangyayari. (Pero may mga bagay na paulit-ulit pero inaabangan pa rin. Labo noh?) Parang yung mga panahong habang nanonood kami ng DVD ng kapatid ko tapos bigla siyang magkukuwento ng mga mangyayari blow-by-blow (hayup, mala Qunito Henson!). Pangit kasi walang thrill, pangit kasi may former knowledge ka na. Naalala ko tuloy ang isang quote galing kay Maki (na galing daw sa isang Chinese movie) Beauty is certain, but uncertainty is more beautiful.

O siya, siya. Tama na ang pagpapakaprofound. ^_^;

Tingnan niyo na rin yung bagong silang kong Friendster blog:

http://limonada.blogs.friendster.com/

-end

3 Comments:

Blogger mirage said...

Sosyal itich!

The Chronicler thus begins her journey in the blogging world of blogspot (eh?). Hear hear!

Ang kulit ng loop ng URL ah! Nakakaaliw. Hehe.

o eto

http://www.theparanoidoptimist.blogspot.com

:D

comment ka tsaka mangamusta ka na rin sa tagboard.. oki? labshuu

8:26 PM

 
Blogger Aura Serene said...

wahaha welcome welcome pow..!:D nice title... link link!!!

http://monstravanus.blogspot.com

ok?

i will 4ver be...
>aura serene

9:04 PM

 
Blogger the chronicler said...

tulong tulong! pano maglink?????? sori. ignoranteng bata eh.

8:32 AM

 

Post a Comment

<< Home