Wednesday, July 26, 2006

¡Bienvenidos! etc.

Hahaha. Ako ay nagbabalik. :) Kahit andami ko pang dapat gawin, hindi ko mapigilan mag-online, lalo pa't libre ang internet dito, mabilis pa! (Iba na talaga ang mga peste. Hehe)

Oo, alam ko, inaamag na yung blog ko.
*ipis gumapang palabas*
O diba, iniipis pa.

Ano na nga ba ang nangyari sa batang si Jevic?
Wala naman, bukod sa:
  1. tumaba siya dahil sa pagbubuhay baboy, (salamat kay Mommy sa term na yun..)
  2. nagpagupit siya kasi trip niya lang,
  3. at malalim na ang eyebags niya dahil sa puyat.
Ganun. Ah, at saka nagsasaya sa buhay estudyante. Buhay ng isang batang nag-aaral ng wika. Sample ba kamo? Bueno. *cracks knuckles*


Estoy muy confundida porque el subjuntivo del español tiene muchos usos y muchas reglas. No quiero estudiar mas, pero no hay opción nada. ¡Qué pena!

Sa German naman kasi, puno Wie heißen Sie?, Woher kommen Sie at Wo wohnen Sie lang ang alam ko.

Ay, meron pala.

Wie fliertst du?

*wink wink*

Anyway, gusto ko lang magyabang ng ilang mga litrato. Pagbigyan, pagbigyan.

eto ang likod ni Atom Araullo. Swear. Dapat sana nakasabay ko siya sa Katipunan jeep pero...*hikbi* may hinintay kasi kaming dumating.




Picture taken at the Ateneo (Areneo!) Socsci Bldg. Sosyalan! Isang papel na isinalin ng inyong lingkod ang binasa bilang parte ng isang lecture series ng Japanese Studies program ng ADMU.
*bakit tila by height ang pila?!*



"Manong" Adam David. (Wenky, bakit ganyan ka? Tinawag mong MANONG si Adam!) Miyembro ng UPWC. Hayup ang mga ideya.




Ah, the ever brillant Anna Felicia C. Sanchez. (Although "Anna Ishikawa" yung gamit niyang name sa latest book niya. Aww, how chick lit!)



Ayun lang naman. Kaunting update sa buhay ko.

Tuesday, January 24, 2006

ako ang batang hindi marunong maglink

Paano maglink? Anak ng...hindo ako marunong eh. X_X paturo please?

Monday, January 23, 2006

Life is a Vicious Cycle

Eto na naman ako. Gumawa ng bagong blog. Tapos mag-uupdate sandali, magcocomment sa blog ng iba, tapos tatamarin na mag-update pag nakaonline. Ganito naman ako palagi.

Notice the "theme" of my blog:

http://paulit-ulit.blogspot.com

title niya: For the nth Time
1st post: Life is a Vicious Cycle

O diba? Hahaha. Eto nagagawa pag bangag. >.<

Marami nang mga "blogworthy" events na naganap sa buhay ko pero dahil nga tamad ako mag-update at hindi pa rin inaasikaso ng nanay at tatay ko ang pagpapakabit ng wi-fi internet sa bahay namin, lahat sila eh nababaon lang sa parte ng utak ko na nakalabel bilang "memories". Ayos lang sa akin yun, kasi maraming mga "blogworthy" events ang gusto kong alalahanin at itago na lang sa sarili ko. (Uuuuyyyy. Misteryosa kuno?)

May isang kwento si Stephen King (nakalimutan ko nga lang yung title) na tinatalakay ang "hell" (o sige, sige, impiyerno) bilang isang mundo kung saan walang tigil na umuulit ang mga bagay, tao at pangyayari. Tama nga naman siya. Routine, normalcy and predictability can be hell. Pangit yung tipong alam na alam mo na yung mangyayari. (Pero may mga bagay na paulit-ulit pero inaabangan pa rin. Labo noh?) Parang yung mga panahong habang nanonood kami ng DVD ng kapatid ko tapos bigla siyang magkukuwento ng mga mangyayari blow-by-blow (hayup, mala Qunito Henson!). Pangit kasi walang thrill, pangit kasi may former knowledge ka na. Naalala ko tuloy ang isang quote galing kay Maki (na galing daw sa isang Chinese movie) Beauty is certain, but uncertainty is more beautiful.

O siya, siya. Tama na ang pagpapakaprofound. ^_^;

Tingnan niyo na rin yung bagong silang kong Friendster blog:

http://limonada.blogs.friendster.com/

-end